Home

Projects

Team

News
Press
Donations

Imprint
logo_frei_100px.png
DSC_0109.jpg

DSC_0127.jpg

DSC_0469.jpg


Pamamaraan

Aktibong Partisipasyon ng mga Taga-pakinabang at hindi Taga-tanggap na Lamang

Sariling - Sikap

Ang lahat ng Proyekto ng GeoChris Foundation ay tumutugon sa sariling-sikap at pangmatagalang seguridad sa ekonomiya ng mga katutubo. 
Ang sariling-sikap ng mga katutubo at tribong komunidad at ang patuloy na iba’t-ibang uri ng tulong ay nasisiguro sa pamamagitan ng kanilang aktibong partisipasyon.
Tanging ang mga proyektong suportado nito ang tulong-tulong na pinaplano at pinagkakasunduan ng mga katuwang na komunidad at ng GeoChris.

Pangangalaga sa Kapaligiran

Ang pangunahing layunin ng GeoChris ay maipakita sa mga katutubo na ang pangangalaga sa kapaligiran at ang pananatili ng ekolohiya ay hindi hadlang sa isang matagumpay na agrikultura at paggawa.

Sa kabilang banda, ang tradisyonal na pagsasaka at paggawa ay nababagay sa agrikulturang pang-ekolohiya upang maipagpatuloy ang malusog na ani at masaganang pakinabang.

Edukasyon at Pormasyon

Sa pamagitan ng aming Non-Formal Education Program (NFEP) ay tinuturuan ang mga mamamayang may sapat na gulang ng mga pangunahing karunungan sa pagbasa, pagsulat at pagbilang sa kanilang katutubong wika, sa Tagalog at sa English.

Sa pamagitan ng simpleng karunungan sa pagbasa, pagsulat at pagbilang at mga dagdag pang kaalaman, ang mga katutubo ay nagkakaruon ng tiwala sa sarili na kumilos at maki-bahagi sa mga gawain para paunlarin ang kanilang antas ng pamumuhay, magkaroon ng sapat na kabuhayan, magkaroon ng tinig sa mga bagay na pang-sosyal at pang - politikal, at maging matatag sa kanilang kultura at paniniwala.

Home 1
Update

Home 2
 GeoChris

Home 3
Strategy

Home 4
3-Pillars