Home

Projects

Team

News
Press
Donations

Imprint
logo_frei_100px.png
Seifenproduktion
Begegn_Instr
Stipnedium


GeoChris

Ang GeoChris ay isang “non-profit” na institusyon.

Ang pangunahing layunin ng GeoChris ay makapag-bigay ng tulong sa pamagitan ng ibat-ibang uri ng proyektong tulong pansarili sa pag-unlad ng
mga katutubo sa Pilipinas.

Ang pangunahing “katangian” ng aming payak at nakiki-angkop na organisasyon ay ang mga sumusunod:
Konkretong Gawain at Benepisyo (ilan sa iba) :
  • Maliit na pautang tulong para patatagin ang pampamilyang kabuhayan
  • Tulong na pinansyal para sa paggawa ng mga pasilidad at imprastraktura katulad ng sentro ng komunidad, paaralan, sentrong pang-kalusugan at halamanan para sa mga halamang-gamot.
  • Mga pagsasanay sa “organic farming” at ang muling pagbuhay sa mga tradisyonal at nakasanayang  paraan sa agrikultura kasama na ang pagtataguyod  ng “composting”
  • Pangangalaga ng tradisyonal na yaman at kultura katulad ng lokal na salita o dialekto, panulat, alamat, tula, kuwento, katutubong kaalaman, ritwal, sayaw at musika
  • Libreng pag-aaral para sa mga mag-aaral na may talino at may dedikasyon na mag-alay ng tulong at serbisyo sa kanilang pinagmulang katutubong komunidad
  • Programang pang-edukasyon na nakatuon sa mga mamayang may sapat na gulang na magkaruon ng karunungan sa pagbasa at pagsulat, pagbilang, pagpapahalaga sa kultura, karapatang pang-politika, pangangalaga sa kapaligiran at pangkalahatang kalusugan at kalinisan.

Home 1
Update

Home 2
 GeoChris

Home 3
Strategy


Home 4
3-Pillars